Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2017

Mensahe

Imahe
Kaibigan, alam mo ba kung nasa tama at wastong landas ka? Tuwid na daan ba ang binabagtas mo tungo sa iyong pangarap? Ang paggamit ng bawal na gamot ay isang susi sa pagsira ng iyong pangarap, ng iyong buhay. Hindi mo aakalain na sa paggamit nito ay unti-unti ng lumalayao sa ating mga kamay ang abot-kamay na pangarap. Maaaring ikaw man ang pinakamayaman, ang pinakamaganda, ang pinakatinitingalang tao sa buong bansa ngunit sa isang paggamit lamang ng bawal na gamaot ay baka gumising ka na lamang na sira na at wala na ang lahat. Bakit mo pa pipiliin bagtasin ang bako-bakong daan, ang sira-sirang daan, ang daan na puno ng problema, ang daan na puno ng pagsubok, kung maaari naman nating bagtasin ang tuwid na daan tungo sa pagkamit ng ating pangarap, ng buhay na ating inaasam-asam, ang buhay na kung saan tayo'y makukuntento. Kaibigan, tumingin ka sa paligid mo, tumingin ka sa isang balkonahe at tanawin mo ang iyong mga kababayan, ano ang iyong masasabi? Mga taong nagpapakahirap

Epekto ng Bawal na Gamot

Imahe
Sa paggamit ng bawal na gamot, ano ba ang nagagawa nito sa atin? Malaki ba ang epektong nangyayari sa ating parte? Narito ang listahan ng mga epekto ng bawal na gamot: Pagkawala ng Pera - Sa patuloy na pagamit ng bawal na gamot ay nauubos ang ating iniipong pera. Dahil patok ang paggamit nito sa makararami ay sa mataas na presyo ito ipinagbibili ng mga drug dealers.  Sa halip na sa trabaho, pamilya, o sa sariling kagustuhan gamitin ito, ay napupunta lamang sa masama. Problema sa Buhay - Dahil sa paggamit ng bawal na gamot ay nagkakaroon tayo ng maraming problema sa buhay. Hindi natin napapansin na nawawala na ang kakayahang nating mag-isip ng mabuti tulad ng dati. Nakapokus na lamang tayo sa pakiramdam na ginhawa kaysa sa mga bagay na dapat pinatutuunan ng pansin. Pagkakaroon ng away sa ibang tao - Nagiging iba ang pakikitungo natin sa mga tao. Kung gumagamit man tayo ng bawal na gamot ay nag-iiba ang pag-iisip natin ang gumagawa tayo ng mga bagay na lingid sa kagus

Pagsugpo sa Bawal na Gamot

Imahe
Naging napakamatunog ng salitang 'droga' sa taong ito. Maging ang pangulo ay lumikha na ng paraan upang masugpo ito. Ngunit ikaw bilang kabataan, paano mo maiiwasan ito? Matutulungan mo ba kami sa pagsugpo dito? Bago ang lahat ng ito, ano ang bawal na gamot? Ang bawal na gamot o mas kilala sa tawag na 'droga' ay isang mapanganib na sangkap sa isang tao. Kapag ito'y nakapasok sa iyong katawan ay maaring magkaroon ng pagbabago sa iyong pisikal at mental na kakayahan. Maaari ring makagamit ng bawal na gamot ng hindi napapansin. Ito ay kapag sumobra sa nararapat ang pag-inom mo ng mga normal na gamot tulad ng cough syrup at antibiotic. Isa ang Pilipinas sa mga bansang laganap ang paggamit ng bawal na gamot. Bagaman nakikita natin ang pagsisikap na lutasin ng pamahalaan ang problemang ito, kinakailangang kumilos rin tayo sa ating sariling paraan. Maraming tao ang nasisira ang buhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot. Tinatalikuran nila ang kanilang pamilya, kaibig