Mensahe


Kaibigan, alam mo ba kung nasa tama at wastong landas ka? Tuwid na daan ba ang binabagtas mo tungo sa iyong pangarap?

Ang paggamit ng bawal na gamot ay isang susi sa pagsira ng iyong pangarap, ng iyong buhay. Hindi mo aakalain na sa paggamit nito ay unti-unti ng lumalayao sa ating mga kamay ang abot-kamay na pangarap. Maaaring ikaw man ang pinakamayaman, ang pinakamaganda, ang pinakatinitingalang tao sa buong bansa ngunit sa isang paggamit lamang ng bawal na gamaot ay baka gumising ka na lamang na sira na at wala na ang lahat.

Bakit mo pa pipiliin bagtasin ang bako-bakong daan, ang sira-sirang daan, ang daan na puno ng problema, ang daan na puno ng pagsubok, kung maaari naman nating bagtasin ang tuwid na daan tungo sa pagkamit ng ating pangarap, ng buhay na ating inaasam-asam, ang buhay na kung saan tayo'y makukuntento.

Kaibigan, tumingin ka sa paligid mo, tumingin ka sa isang balkonahe at tanawin mo ang iyong mga kababayan, ano ang iyong masasabi? Mga taong nagpapakahirap na magtrabaho, dugo't pawis ang inaalay? Mga taong tinatawid ang mapanganib na tulay makapasok lamang sa paaralan? Mga taong sa kabila ng nararamdamang sakit ay patuloy na naghahanapbuhay? Nakikita mo ba, kaibigan, kung gaanong naghihirap ang mga tao maitawid lamang ang buhay patungo sa kasiyahan? Samantalang ikaw, nariyan, sinasayang ang iyong pangarap, ang iyong buhay? Sa isang iglap lamang ay matatanggal sa iyo ang lahat ng mga natatamasa. Kaya ano pa ang iyong inaantay kaibigan, halina't sumama sa amin at sugpuin ang bawal.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagsugpo sa Bawal na Gamot

Epekto ng Bawal na Gamot