Epekto ng Bawal na Gamot

Sa paggamit ng bawal na gamot, ano ba ang nagagawa nito sa atin? Malaki ba ang epektong nangyayari sa ating parte?
Narito ang listahan ng mga epekto ng bawal na gamot:





Pagkawala ng Pera - Sa patuloy na pagamit ng bawal na gamot ay nauubos ang ating iniipong pera. Dahil patok ang paggamit nito sa makararami ay sa mataas na presyo ito ipinagbibili ng mga drug dealers. Sa halip na sa trabaho, pamilya, o sa sariling kagustuhan gamitin ito, ay napupunta lamang sa masama.



Problema sa Buhay - Dahil sa paggamit ng bawal na gamot ay nagkakaroon tayo ng maraming problema sa buhay. Hindi natin napapansin na nawawala na ang kakayahang nating mag-isip ng mabuti tulad ng dati. Nakapokus na lamang tayo sa pakiramdam na ginhawa kaysa sa mga bagay na dapat pinatutuunan ng pansin.



Pagkakaroon ng away sa ibang tao - Nagiging iba ang pakikitungo natin sa mga tao. Kung gumagamit man tayo ng bawal na gamot ay nag-iiba ang pag-iisip natin ang gumagawa tayo ng mga bagay na lingid sa kagustuhan at kaalaman natin.



Pagkakaroon ng sakit - Sa patuloy na paggamit ng bawal na gamot ay nakakukuha tayo ng mga sakit na kapag pinagpatuloy pa ay magiging malala at maaaring kumuha sa ating buhay.

Pagsira sa pangarap - Hindi natin napapansin na ang pangarap na ating nais makamtama noon, ay unti-inti ng lumalayo sa atin dahil sa pagsira sa sarili nating buhay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagsugpo sa Bawal na Gamot

Mensahe