Pagsugpo sa Bawal na Gamot

Naging napakamatunog ng salitang 'droga' sa taong ito. Maging ang pangulo ay lumikha na ng paraan upang masugpo ito. Ngunit ikaw bilang kabataan, paano mo maiiwasan ito? Matutulungan mo ba kami sa pagsugpo dito? Bago ang lahat ng ito, ano ang bawal na gamot?

Ang bawal na gamot o mas kilala sa tawag na 'droga' ay isang mapanganib na sangkap sa isang tao. Kapag ito'y nakapasok sa iyong katawan ay maaring magkaroon ng pagbabago sa iyong pisikal at mental na kakayahan. Maaari ring makagamit ng bawal na gamot ng hindi napapansin. Ito ay kapag sumobra sa nararapat ang pag-inom mo ng mga normal na gamot tulad ng cough syrup at antibiotic.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang laganap ang paggamit ng bawal na gamot. Bagaman nakikita natin ang pagsisikap na lutasin ng pamahalaan ang problemang ito, kinakailangang kumilos rin tayo sa ating sariling paraan.

Maraming tao ang nasisira ang buhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot. Tinatalikuran nila ang kanilang pamilya, kaibigan, at mga bagay na makapagpapasaya sa kanila. Ang tanging nasa isip lamang nila ay makaramdam na tila wala sila sa magulong buhay na ito. Ang iba'y nais na makalimutan ang mga problemang kinakaharap nila.

Bilang kabataan, maari rin tayong makatulong sa pagsugpo ng paggamit ng bawal na gamot. Narito ang ilang paraan upang makatulong tayo:

  • Ilayo sila sa masamang gawain at tulungan silang iengage ang sarili nila sa mga bagay na masisiyahan at gusto nila.
  • Tulungan sila na makalimutan ang mga problema sa buhay at manatili lamang na nariyan sa tabi nila
  • Bigyan sila ng suporta sa pagharap sa mga suliranin at pasayahin sila gamit ang pagsasabi ng positibong mga bagay
Gumagamit ang mga tao ng bawal na gamot dahil kulang sila sa pagmamahal at suporta sa mga taong nasa tabi nila. Kailangan nila ng mga taong mananatili sa tabi nila anumang kaharapin nilang problema at anuman ang sapitin nila. Lahat ito ay masusugpo o masosolusyonan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lakas ng loob sa kanila at pag-enjoy at makuntento sa kung anumang mayroon tayo at huwag ng maghanap pa ng iba.

Halina't panoorin ang isang bidyo ng isang talumpati tungkol sa pagsugpo sa droga. Mula ito kay Dizzieraine E. Martin na pinost noong Ika-18 ng Setyembre, taong 2016.




Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Epekto ng Bawal na Gamot

Mensahe